Thursday, April 9, 2009

Coseteng may nakitang ipis sa almusal na bangus

Coseteng may nakitang ipis sa almusal na bangus
KAHAPON ay na-shock habang kumakain ng almusal sa isang restaurant si dating Senador Nikki Coseteng kasama ang kanyang kapatid na lalaki at dalawa pa nitong bisita sa isang restaurant sa kahabaan ng Macapagal Ave., Pasay City.

Nadismaya ang dating senador sa kanyang nakita sa loob ng ulam na inorder nitong bangus -- isang buong ipis.

Kaagad niyang pinatawag ang manedyer ng naturang food chain at sinabi lamang nito sa senador:

“We will replace it and won’t charge for it. Sorry just an accident,” pahayag ng resto manager.

Napalatak na lamang ang butihing senador at: “Wow! I wonder these restos in public establishments get clearances from the city health offices.

Puntirya ngayon ni Coseteng na panagutin ang naturang restaurant at na maipaalam sa publiko kung gaano ka- unsanitary itong kainan.

Sinubukan ng People’s Tonight na kunin ang panig ng restaurant ngunit walang available for comment.

1 comment:

  1. Aside from that, you can also save our Mother Earth from the destruction
    of global warming. The bulbs can be bought from
    any electrical store and even on the Internet.

    Next it will be time of the lesser folks like 60w, 40w and 25w.



    Take a look at my blog post Deckenleuchten

    ReplyDelete